PRC official na sangkot sa extortion na-inquest na

ISINAILALIM na sa inquest proceedings sa Department of Justice ang mataas na opisyal ng Professional Regulation Commission (PRC) matapos arestuhin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation.

Si PRC Commissioner Alfredo Po ay inaresto ng National Bureau of Investigation kahapon sa mismong opisina nito matapos ireklamo ng pangingikil o extortion.

Si Po ay inaakusahan na nanghihingi ng P394 libo na komisyon  sa inuupahan nilang gusali.

Kaugnay nito, tumanggi naman ang kampo ni Po na maghain ng counter affidavit at iginiit na sa korte na lamang niya haharapin ang kaso.

Dahil rito, idineklara na ni Attorney Cesar Angelo Chavez na submitted for resolution ang kaso at dedesisyunan ito sa loob ng 60 araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply