‘Pregnant dolls’ huwag tangkalikin – DOH

HUWAG ibili o regaluhan ang mga bata ng pregnant dolls na nagkalat ngayon sa merkado sa Metro Manila at maging sa mga buy and sell website sa internet.

Ito ang mahigpit na tagubilin ni Health (DOH) – National Capital Region (NCR) Director Eduardo C. Janairo sa mga magulang na abalang-abala ngayon sa pamimili ng laruan sa kanilang mga anak bilang regalo sa Pasko.

Ayon kay Janairo, hindi angkop at offensive para sa mga bata ang mga naturang pregnant dolls dahil mistulang iminumulat ang mga ito sa teenage pregnancy.

Iginiit ni Janairo na ang buhay ng isang kabataang babae na maagang nagkaroon ng anak ay hindi magandang gawing ehemplo sa mga paslit.

“I recommend parents not to give the pregnant dolls for gifts this holiday season. It is inappropriate and offensive. It promotes teenage pregnancy and tends to glamorize the life of teenage girls who have babies at a young age which is not a very good example to share to children,” ani Janairo.

Ipinaliwanag nito na ang emotional development ng isang bata ay nagaganap sa edad lima hanggang walo kaya’t sa mga edad na ito ay dapat silang bigyan ng mga laruan na educational at mahalaga para sa kanilang learning years.

Mas makabubuti rin umano kung magagabayan ang mga bata sa mga panahong ito lalo na kung sila ay naglalaro.

Idinagdag pa ni Janairo na ang imaginative minds ng mga bata ay naiimpluwensiyahan ng nakikita nila at naririnig kaya’t dapat na maging maingat ang mga magulang.

“As parents, we should be responsible in providing our children with significant information about life as they grow up rather than learning them from others sources,” payo pa ni Janairo.

Nabatid na maging sa Estados Unidos ay ipinagbabawal na rin ang pregnant dolls noon pang 2002 dahil sa reklamo ng mga kostumer.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply