Presinto nilusob ng NPA, parak tigbak

crime-scene-chalk-mark

TODAS ang isang pulis nang salakayin ng New People’s Army (NPA) ang isang istasyon ng pulisya sa Roxas town sa Palawan kaninang umaga (Disyembre 12).

Hindi naman pinangalan agad ang biktima dahil uunahin muna ng awtoridad na ipaalam sa pamilya ang nangyaring masama sa kanilang mahal sa buhay.

Hinahanting na ngayon ng military at police tracker teams para panagutin sa krimen ang may 20 armadong rebelde na pinaniniwalaang kasapi sa NPA na nakabase sa Roxas town .

Ayon sa Western Command, naganap ang insidente dakong alas 10:30 ng umaga sa isang police station sa Roxas town.

Bago ito, mag-isang binabantayan ng biktima ang kanilang presinto nang biglang sumulpot ang may 20 armadong rebelde at pinaulanan ng putok ang nasabing presinto .

Hindi naman nabanggit sa ulat kung tinangay ng mga rebelde ang baril ng biktima na nagtamo ng tama ng bala mula sa M16 at M14 rifles sa iba’t ibang parte ng katawan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply