Preso nagtangkang pumuga, napilayan, balik-selda

NAPILAYAN ang isang preso matapos maglakas loob na tumalon sa bakod ng Caloocan City Jail upang makatakas Sabado ng umaga.

Nakilala ang preso na si Jerry Capales, 36, may kasong illegal possession of drugs at illegal possession of deadly weapon.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga, naiwan ang hagdan ng mga gumagawa ng bakod sa Caloocan City Jail sa Tanique St., ng lungsod na sinamantala ni Capales at inakyat.

Pagdating sa taas ay tumalon papalabas ng pader ang preso subalit pagbagsak ay napilayan siya na naging dahilan upang muling madakip.

Nabatid na pansamantalang hindi muna papadalawin ang gustong dumalaw kay Capales bilang parusa sa kanyang tangkang pagtakas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply