Presyo ng mga bilog na prutas, tumaas na

kiat-kiat

TUMAAS na ngayon ang presyo ng mga bilog na prutas sa mga pamilihan.

Batay sa monitoring, tinatayang nasa P10 hanggang P20 na ang itinaas ng presyo ng mga bilog na prutas, tatlong araw bago ang Bagong Taon.

Kasalukuyang nasa P120 na ang kada kilo ng seedless na ubas.

Ang limang (5) piraso ng peras ay mabibili na sa halagang P100 gayundin ang orange.

Mabibili naman sa P50 ang kada tatlong piraso ng ponkan.

Mula sa dating P20 ay mabibili na sa P35 ang isang balot ng kiat-kiat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply