Presyo ng noche buena items tataas sa 3rd week ng Dec

INAASAHANG tataas na sa ikatlong linggo ng Disyembre ang presyo ng mga produktong pang noche buena.

Ang anunsyo ay inihayag ni Philippine Association of Supermarkets Inc. (PASI) Sec. General Federico Ples ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.

Dahil dito, pinayuhan ni Ples ang publiko na magsimula nang mamimili ng mga panghanda sa noche buena habang wala pa umanong  paggalaw sa presyo ng mga ito.

Aminado ang Department of Trade and Industry (DTI) na tumataas ang presyo ng noche buena items sa mga pamilihan kapag ilang araw na lang bago sumapit ang Pasko.

Tiniyak din ng PASI na karaniwan ang pagtaas ng presyo ng Noche Buena items sa kalagitnaan ng Disyembre.

Paliwanag ng PASI, madalas na tumataas ang supply demand sa ganitong mga produkto tulad ng mga pasta, spaghetti sauce, fruit salad,
kondensada, keso, hamon, queso de bola at iba pa.

Noong 2011, 20 hanggang 40 prosiyento ang itinaas ng noche buena items sa mga supermarket bunga ng malaking demand dito tuwing papalapit ang Pasko.

Sinisikap naman ng DTI na mapigilan ang anumang price increase sa mga katulad na produkto kasunod ang pakikipag-ugnayan sa mga manufacturer ng noche buena items para matiyak na walang anumang paggalaw sa presyo upang hindi makabigat sa bulsa ng mga mamimili.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply