Presyo ng Pinoy tasty bababa ng P1

pinoy-tasty

EPEKTIBO ngayong araw ay bababa ng P1 ang presyo ng Pinoy Tasty habang 50 sentimos ang ibabawas sa kada balot ng Pinoy Pandesal.

Ito ang inihayag ngayon ni Lucito Chavez, presidente ng Philippine Society of Baking sa ginanap na pulong balitaan sa Tinapayan ngayong araw.

Ayon kay Chavez, ito ang Pamaskong handog ng mga panadero, Flour Millers Association at Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko dahil sa pagdating ng bagong harina na mas mababa ang presyo.

Mula ngayong araw, mabibili na sa P37.50 ang Pinoy Tasty na dating P38.50.

Samantala, hihilingin naman ni Walter Co, presidente ng Creative Bakers Company sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na i-exempt sa truck ban ang mga truck na nagdedeliver ng tinapay mula Disyembre 20 hanggang Enero 5, 2013.

Paliwanag ni Co, hindi dapat maabala nang matagal na oras ang pagdedeliber ng mga tinapay dahil pangunahin itong pangangailangan Filipino ngayon panahon ng kapaskuhan.

Nalaman na umaabot sa 1.2 milyong loaf bread ang idini-deliver sa iba’t ibang supermarket sa panahon ng Kapaskuhan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply