Price control sa mga pangunahing bilihin, ipatutupad sa lugar na apektado ni Pablo

AGAD na kokontrolin ng pamahalaan ang presyo ng mga bilihin sa mga lalawigan ng Compostela Valley, Davao Oriental at Davao del Norte sa Region XI; Surigao del Sur sa CARAGA Region; Lanao del Norte, Misamis Oriental at Cagayan de Oro City sa Region X; Siquijor sa Region VII; at, Palawan sa Region IV-B matapos na isailalim ito ng Pangulong Benigno Aquino III sa State of National Calamity ang mga nasabing lalawigan bunsod ng Bagyong Pablo.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na nakapaloob sa nilagdaang dahil sa  Proclamation No. 522  ang The Price Act at R.A. 10121 na pagbabasehan ng pag-kontrol sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

“The price freeze for basic necessities will be implemented for 60 days unless lifted. Kabilang sa basic necessities ang: rice; corn; bread; fresh, dried and canned fish and other marine products, fresh pork, beef and poultry meal; fresh eggs; fresh and processed milk; fresh vegetables; root crops; coffee; sugar; cooking oil; salt; laundry soap; detergents; firewood; charcoal; candles; and drugs classified as essential by the Department of Health,” ani Valte.

Bukod dito, hindi rin magpapatupad ng anumang interest ang mga Government Financial Institutions (GFIs) lalo sa mga kooperatiba sa nasalantang lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply