Price freeze ipatutupad sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity

gulays

TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) na agad silang magpapatupad ng “price freeze” sa mga panguahing bilihin sa mga lugar sa Visayas at Mindanao na magdedeklara ng “state of calamity” dahil sa bagyong Pablo.

Sinabi ni DTI Bureau of Trade Regulation and Consumer Protection (BTRCP) Director Victor Dimagiba, na layon nito na maiwasan ang pagsasamantala ng mga negosyante sa mga lugar na binayo ng husto ng bagyo.

Kasalukuyan umano silang nagsasagawa  ng “monitoring” sa mga pamilihan sa Visayas at Mindanao ngunit wala pa naman silang na-momonitor na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ngunit bago umano magpatupad ng price freeze, kailangan munang magdeklara ang mga lokal na “disaster coordinating councils” sa mga lugar na tinamaan ng bagyo ng “state of calamity”.

Kabilang sa mga pangunahing bilihin na kasama sa price freeze ang mga de-latang pagkain, bigas, mais, tinapay, pagkaing-dagat, gulay, root crops, kape, asukal, mantika, asin, sabon, kahoy, uling at iba pa.

Ngunit kapansin-pansin na hindi kasama sa listahan ang petrolyo na isa sa pangunahing ginagamit ng taumbayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply