Price rollback ipatutupad bukas

MAGBABAWAS ng presyo sa kanilang produktong petrolyo ang Shell at Eastern Petroleum bukas, Martes (Disyembre 4).

Nabatid na ipatutupad bandang alas-12:01 ng madaling araw ang pagbaba ng presyo ng Shell ng 60 sentimo sa kada litro ng unleaded gasoline, 35 sentimo sa regular gasoline at 40 sentimo sa kerosene.

Sasabay din sa pagbabawas ng presyo ang Eastern Petroleum ng 60 sentimo sa kada litro ng premium at unleaded gasoline at 40 sentimo sa regular gasoline.

Wala namang magiging paggalaw sa presyo ng diesel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply