Pro-RH solons umaasa na masasabatas ang panukala

KUMPIYANSA pa rin ang mga kongresistang nagtataguyod sa kontrobersyal na Reproductive Health bill na masesertipikahang urgent ni Pangulong Benigno Aquino ang nasabing panukala.

Kasunod ito ng pagpapatawag ni Pangulong Aquino ng pulong sa Malacanang.

Sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman, pangunahing may-akda ng panukalang batas, na patuloy na umaasa ang mga Pro-RH solons sa ibibigay na kumpas ng presidente upang magtuloy-tuloy na ang deliberasyon nito sa plenary.

Ani Lagman, sa ganitong paraan ay mabilis na susulong ang individual period of amendments upang bago mag-Christmas break sa December 19, ay mapagtibay na ito ng Kamara.

Ayon sa ulat, sobra pa sa korum ng Kongreso ang mga pumunta sa pulong ngayon sa palasyo kung saan 182 ang mga kongresistang kumumpirmang dadalo dito.

Isang dekada na rin ang nakalipas na natengga sa Kongreso ang RH bill kaya panahon ng mapagbotohan ito.

Kasabay nito, hinamon din ng mga Pro-RH ang mga anti- RH congressmen na tigilan na ang parliamentary maneuvering kung tiwalang makokontra nila ang mga nagsusulong nito.

Maging ang mga akademiyang sumusuporta sa RH ay naghamon na sa anti-RH na harapin na lamang ang mga nagsusulong ng panukala hanggang sa matapos ang debate.

Nais nilang suportahan ng mga tutol sa RH bill ang mga alegasyon laban sa panukala hanggang sa ito ay mapagbotohan.

“Face us or concede,” ang hamon nina Dr. Sylvia Estrada Claudio, Director ng UP Center for Women’s Studies, Dr. Ernesto Pernia, UP School of Economics, Prof. Elizabeth Aguiling-Pangalangan, UP College of Law Prof. Florin T. Hilbay, UP College of Law Dean Carolyn Sobritchea, UP Asian Center at  Dr. Soledad Dalisay, UP Anthropology Department.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply