Problema ‘di nakayanan, lalaki nagbigti todas

SAN LUIS, Aurora – Tuluyang natodas ang isang tricycle driver sa ika-apat na beses na pagtatangkang magbigti sa bahay nito sa Brgy San Jose,  San Luis, Aurora noong Miyerkules ng madaling araw.

Sa report ng pulisya, nakilala ang biktima na si Ruel Valenzuel, 31 taong gulang, tricyclce driver ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, nabatid na madaling araw ng matagpuan ng asawa na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay ang biktima na walang ng buhay.

Sinabi ng asawa ng biktima na dala marahil ng kahirapan sa buhay kaya nagawa nito ang pagkakamatay.

Sinabi pa na marami silang mga bagay na hindi pinagkakaunawaan kaya marahil nagawa ng biktima ang pagkakamatay.

Ayon pa sa asawa ng biktima, hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa ng kanyang asawa ang pagpapakamatay, subalit sa kasamaang palad ang ika –apat ang siyang kumitil sa biktima gamit ang isang lubid.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply