Pulis itinapon na, kolektor pa rin sa Metro Manila

lily's-files-lily-reyes

ALAM kaya ni Philippine National Police Chief, Director General Alan Purisima, na ang dating nagpapanggap na collector ng DILG na kanyang pinatapon sa ibang Region ay namamayagpag pa rin sa Metro Manila?

Itong si PO3  Gerardo Villaluz na naka-assign ngayon sa CARAGA Region ay ipinatapon dito ni PNP Chief, Alan  Purisima, na noo’y NCRPO Director, dahil  ginagamit umano nito ang tanggapan ng DILG sa kanyang pangongolekta sa Metro Manila.

Bagama’t  naka-assign na si Villaluz sa CARAGA Region,   napag-alaman ng Lily’s Files na hindi ito nagrereport doon dahil nakatimbre umano ito ng P25,000 kada buwan.

Sinasabing patuloy pa rin umanong namamayagpag itong si Villaluz sa Metro Manila kung saan ay kanyang ginagamit bilang mga collector ang ilang  pulis Maynila at  isang sibilyan.

Ang mga ginagamit umano nitong si Villaluz na mga pulis Maynila ay kinilalang sina SPOI Luisito  Maninang, na gumagamit umano ng sasakyang crosswind sa pangongolekta sa mga club at PO2 Eric  De Guzman, na gumagamit naman ng Kymco Dink motorcycle sa pangongolekta sa lahat ng vices, kabilang na ang  mga club.

Gumagamit naman ng isang Toyota Corolla at  Suzuki Sky Drive Dink motorcycle ang sibilyan na collector na si Ariel Cortez na sinasabing parating may nakasukbit sa baywang na kalibre 45 baril.

Sina  Maninang at  De Guzman ay kapwa naka-assign sa District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District (MPD).

Ayon sa source  ng Lily’s Files, ang mga  nasabing collector nitong si PO3 Gerardo Villaluz umano ang umiikot at nangongolekta at naghihintay na lang itong si Villaluz ng grasya.

Ang sarap naman ng buhay nitong si Villaluz, walang kahirap-hirap  na dumarating ang grasya, at kaya naman pala kampanteng kampante ito na  hindi mag-report sa CARAGA Region dahil nag bibigay siya ng P25,000 kada buwan.

Ano kaya ang masasabi rito ng ating magiting na   PNP Chief, na ang kanyang itinapon ay  namamayagpag pa rin.

Kumbaga  sa papel lang pala naitapon itong si Villaluz  pero patuloy pa rin sa kanyang mga illigal na gawain sa Metro Manila gamit naman ang ilang tiwaling tauhan ng MPD.

Dapat ay umaksiyon na rin dito hindi lang si MPD Director Alex Gutierrez kundi maging ang  magaling na si Manila Mayor Alfredo Lim.

Natatandaan ko noong kauupo pa lang nitong si Mayor Lim, ay ipinatapon nito ang lahat ng  pulis na collector noong panahon ni dating Manila Mayor Lito Atienza, sana ngayong siya ang mayor ay ipatapon din niya ang mga pulis  Maynila na collector na tulad nitong sina  SPOI Maninang, PO2 De Guzman at ang hambog  na si  PO2 Ike Eusebio, na napag-alamang tinanggal na ni MPD Director sa paging collector ng Police Station 4 ng MPD.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin  para  sa inyong mga reklamo, suggestions at komento,  mag text lang po sa  0915-5683000  at  0908-7230036  o kaya ay mag email lang sa …lpr_2012@yahoo.com …

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply