Pulis tinambangan, sugatan

emergency-2

SUGATAN ang isang pulis matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek habang ang una ay sakay ng motorsiklo papasok sa trabaho sa Caloocan City kagabi, Nobyembre 30.

Ginagamot sa Camp Crame General Hospital sanhi ng tama ng bala sa kanang tiyan at kanang hita si PO2 Arturo Viernes, 38 ng Caloocan City Police at residente ng Pangarap ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-11:15 ng gabi, binabagtas ng biktima ang Camarin Road, Camarin papunta sa trabaho sa Urduja Village ng lungsod at pagsapit sa tapat ng Flying-V Gasoline Station ay sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang pulis.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman sa Bernardino General Hospital ang biktima bago inilipat sa CCGH.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis upang makilala ang bumanat sa kanilang kabaro.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply