Pumatay sa 3 DPWH worker nadakma na

tiklo

NAKUWELYUHAN na ng awtoridad ang lalaking pumatay sa tatlong road workers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Mulanay town, Quezon noong nakaraang Biyernes ng gabi.

Sinabi ni Senior Superintendent Valeriano de Leon, Quezon police chief, na nadakip ng isang police team ang suspek na si Rommel Rocete sa loob ng kanyang bahay sa Barangay 3 sa Mulanay town proper kaninang umaga.

Bagamat armado rin ng baril, hindi aniya nanlaban ang suspek at sumuko sa kanila nang matiwasay.

Sinabi naman ni Chief Inspector Romulo Albacea, Mulanay police chief, na inamin nito ang krimen at nakakumpiska rin dito ng .45 pistol sa loob ng bahay nito na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaril sa mga biktima na sina Ronald Monterey, Jason Rodelas at Celdo Red, pawang road workers ng DPWH.

Inihahanda na ang kasong 3 counts ng homicide, 4 na serious physical injuries laban kay Roceta.

Maalala na noong nakaraang Biyernes ng gabi, pinagbabaril ni Roceta ang may pitong biktima kabilang ang tatlong namatay sa tapat ng isang sari-sari store sa Barangay Mulanay.

Nagalit si Roceta dahil naka-bright light ang kanilang sasakyan nang madaaan nila ang tropa ng suspek na nag-iinunan sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply