Puyat ba si Pacquiao kaya nakatulog?

raul_valino

ANG pinakamagandang analysis tungkol sa pagkatalo ni Manny Pacquiao noong Sunday ay galing sa kanyang Mommy Dionisia.

‘Yung mga sikat na analysts ay parang palusot laang ang kanilang paliwanag. Lucky punch lang daw ang nagpatulog kay Pacquiao.

Mas gusto ko ang explanation ni Mommy Dionisio. Lagi raw puyat ang kanyang anak dahil puro bible study ang ginagawa nito buhat nang siya ay maging kaanib ng mga Protestante.

Tama si Mommy riyan.

Ngunit maidagdag ko lang,  ang nagpaantok kay Manny ay hindi lamang dahil sa mga prayer meeting niya.

Kay rami kasi ni Manny na maging. Gusto niyang maging congressman. Gusto niyang maging vice president. Gusto rin niyang maging president, and sabi ng iba.

Nais din niyang maging isang sikat na sundalo. At gusto pa niyang maging sikat na singer. Gusto rin niyang maging isang dakilang playboy.

Napakarami niyang gustong maging kaya ayan, napahimbing ang tulog niya sa ring. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakakita ng isang boksingerong padapa nang makatulog sa canvass.

Kay raming segundong hindi nagising si Manny. Nang magising, at nakabangon finally, siya ay tuliro pa rin.

Ganyan talaga ang taong antok na antok. Mahirap gisingin. Hindi mahalaga kung wala namang nawala sa kanyang mga title belts dahil non-title ang labanan. Ang mahalaga ay natalo si Manny sa nakahihiyang labanan.

Mabuti pa si Muhammed Ali. Sa kanyang huling laban, bigla na lang siyang umayaw. Pero sa kaso ni Manny, ang bosing niya ay gusto pa ring paglabanin si Pacquiao at si Juan Miguel Marquez.

Walang puso ang mga handler ni Manny. Ni ayaw nilang pasukuin si Manny sa boxing.

Limpak-limpak na pera ang kanilang nakikita sa mga susunod na laban, dead or alive.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply