QC kotong cops, tutugisin ng Honesty Team

QCPD

BUMUO ng Honesty Team ang Quezon City Police District para linisin ang kanilang hanay laban sa anilay mga kotongerong pulis.

Ayon kay P/Supt Reynaldo Ramirez, bubuo ang QC ng honesty team ng iba’t-ibang units ng QCPD na tututok at mag-iikot sa iba’t-ibang lugar sa lungsod Quezon lalo na sa mga matataong lugar para alamin ang mga reklamo ng publiko kaugnay ng mga pulis na di umaaksyon sa kanilang reklamo.

Kaugnay nito, hiningi naman ni Quezon City Police District Director Chief Supt. Mario dela Vega ang tulong ng mga mamamayan para tuluyan nang matanggal ang mga kotong cops.

Nangako naman si dela Vega na hindi sila mangingimi at hindi nila kukunsintihin ang mga pulis na nakapagdudulot lang ng batik sa hanay ng pulisya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply