QRT binuo sa mga lugar na binayo ng bagyong Pablo – DOLE

bagyong-pablo-dec-5-11am

INIHAYAG ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbuo ng Quick Reaction Teams (QRT) ng kanilang mga regional offices sa mga probinsyang apektado ng bagyong Pablo.

Ayon kay Labor Communications Director Nikon Fameronag, layon ng QRT na bilangin at kilalanin ang mga manggagawang maaapektuhan ng hagupit ng bagyong Pablo upang mabigyan sila ng temporary emergency employment sa loob ng isang buwan.

Bukod dito, bibigyan rin umano ang mga manggagawa ng trabaho sa ilalim ng restoration at rehabilitation project ng mga local government unit (LGU) kung saan babayaran sila ng minimum wage kada araw.

Tiniyak ni Fameronag na sakaling ayaw na nilang magtrabaho at gusto na lamang magnegosyo ay may nakahanda ring mga entrepreneurship seminars ang DOLE.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply