Quiapo inalis na sa listahan ng ‘notoryus na pamilihan’

quiapo-manila

TINANGGAL na ng United States’ Trade Representative (USTR) ang Quiapo sa Maynila sa listahan ng mga ‘notoryus na pamilihan’ na nagbebenta ng mga pekeng bilihin.

Kasunod nito, pinuri ni US Trade Representative Ron Kirk ang pamahalaan dahil sa aksyon nito upang mahinto ang bentahan ng mga pekeng produkto sa Quiapo.

“(The) Philippine Government has taken significant enforcement actions at the Quiapo Shopping District, which has reduced the number of counterfeit and pirated goods available for sale in this marketplace,” ani Kirk.

Nauna rito, nagpalabas ng listahan ang USTR ng mga notoryus na pamilihan simula pa noong 2006 kung saan kabilang ang Quiapo, Binondo, Greenhills, Makati Cinema Square at Metrowalk.

Lumitaw sa report ng isang pahayagan na anim na taon nang kabilang ang Pilipinas sa listahan ng may ‘notoryus na pamilihan’ sa buong mundo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply