‘Quinta’ isang LPA na lang – PAGASA

LPA-quinta

ISA na lamang low pressure area (LPA) ang bagyong Quinta na tuluyang humina habang papalabas ng bansa.

Sa ulat sa radyo ngayong tanghali, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), malakas ang hanging Amihan sa West Philippine Sea na siyang nagpahina sa bagyo.

Dahil dito, inalis na ng PAGASA ang lahat ng storm warning signal sa anomang lugar sa bansa.

Wala na ring direktang epekto ang bagyong Quinto sa bansa dahil medyo malayo na ito sa 220 kilometro ng kanluran ng Puerto Princesa, Palawan.

Inaasahang maganda na ang panahon simula bukas.

Wala pang inaasahang sama ng panahon na papasok sa bansa mga susunod na araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply