Rap concert protest, ilulunsad ng mga kabataang maralita

MAGLULUNSAD ngayong gabi sa Agham Road, Quezon City ng isang Rap Concert ang mga maralitang kabataang sa panguguna ng Sining ng Kabataang Lumalaban o SIKLAB bilang bahagi ng kanilang protesta laban sa lumalalang paglabag sa karapapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Pinamagatang KA-RAP-ATAN, ang nasabing rap concert ay lalahukan ng mga sikat na indibidwal gaya ni BLKD at iba pang sikat na rap group upang magtanghal ng mga presentasyong tumatalakay sa mga usapin gaya ng pagpasalang at pandarahas sa mga progresibong mamamayan, demolisyon ng tirahan ng mga maralita, nagtataasang halaga ng serbisyo at bilihin, at ang malawak na kawalan ng trabaho.

Ayon sa coordinator ng rap concert na si Jake Kalaw, nais nilang ipakita na maging ang mga maralitang kabataan ay may pagnanais na matigil ang lumalalang kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Hinikayat ng grupo ang mga kabataan na pagyamanin ang kanilang mga talento sa pamamagitan ng paglikha ng mga makabayang sining para sa panlipunang pagbabago.

Ang rap concert ay bahagi sa selebrasyon ng iba’t ibang grupo bago ang ika-64 na taon ng International Declaration of Human Rights sa Disyembre 10.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply