Re-enactment sa paglilipat ng labi ni Rizal isasagawa bukas

MAGSASAGAWA ng re-enactment ang grupong Knights of Rizal kaugnay sa paglilipat ng labi ni Gat Jose Rizal bilang bahagi ng paggunita sa Rizal Day bukas (December 30).

Nabatid na magsisimula ang prusisyon dakong alas-5:30 ng umaga sa Binondo patungong Luneta.

Lalahukan ito ng mga miyembro ng Knights of Rizal at mga opisyal ng pamahalaan.

Nabatid na ang re-enactment ng paglilipat ng labi ng pambansang bayani ay magsisimula sa bahay ng kanyang ina na si Teodora Alonzo patungo ng Bagumbayan o Luneta.

Matatandaan na Disyembre 30 nang patayin sa pamamagitan ng firing squad ng mga sundalong Filipino sa ilalim ng Spanish Army si  Rizal sa Bagumbayan.

May 116 taon na ang nakararaan at 100 taon naman ang nakalilipas sa paglipat ng labi nito mula sa bahay ng kanyang ina sa Binondo.

Patagong inilibing si Rizal sa Paco Park matapos itong patayin bago nakuha ng kanyang pamilya ang labi nito at dinala sa Binondo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply