Rear Admiral Isorena bagong PCG chief

PCG

MAY itinalaga nang bagong pinuno ng Philippine Coast Guard (PCG). Ito ay matapos ang ginanap na turnover ceremony sa punong tanggapan ng PCG sa Port Area Manila na sinaksihan mismo ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Kaninang alas-10:00 ng umaga ay isinalin na ni PCG officer in charge Luis Tuason kay PCG fleet commander Rear Admiral Rodolfo Isorena ang opisyal na pamumuno sa PCG.

Si Isorena ay miyembro ng Philippine Military Academy Sandigan Class 1982 ay kasalukuyang commander ng Coast Guard Fleet, ang pinakamalaking unit ng PCG na binubuo ng Coast Guard Aviation Group, Coast Guard Special Operations Group at K-9 unit gayundin ang Coast Guard Ready Force na nangangasiwa sa lahat ng vessels ng PCG.

Bago nailipat sa PCG ay dati na ring naging opisyal si Isonera ng Philippine Navy.

Maliban naman kay Isonera, itinaas din ng posisyon sina Commodore Danilo Ubado, Commodore George Ursabia, Commodore Rolando Legaspi, Commodore Leopoldo Laroya at Commodore Ferdinand Velasco.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply