Recycled fireworks, ibinebenta sa QC

SA kabila ng kampanya ng health officials na pagbawalan ang publiko na magpaputok para salubungin ang Bagong Taon, ibinebenta naman ang iligal at recycled fireworks sa iba’t ibang parte ng Metro Manila.

Sa Quezon City, karamihan sa mga paputok ng ibinebenta sa Commonwealth Avenue at sa Muñoz area ay mula noon pang isang taon o recycled fireworks.

Ayon sa ulat, ibinebenta ng vendors sa mga kabataan ang maliliit na klase ng paputok sa halagang P5 lamang at sinisindihan saka itinatapon sa mga taong naglalakad sa kalsada.

Ibinebenta rin sa ilang parte ng Quezon City ang piccolo, na ang presyo ay  mas mababa sa P15.

Ilan sa katangian ng piccolo kapag sinindihan kahit inilagay sa ilalim ng tubig ay pumuputok pa rin.

Sa Muñoz area, sinabi sa ulat na ang ilan sa mnga tindero ay nagbebenta ng “recycled” fireworks, o mga paputok na natira noong pang nakaraang taon.

Ang patuloy na pagbenta ng paputok ay sa kabila ng paalala ng Department of Health sa publiko na iwasan ang magpaputok para sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sinabi ni National Epidemiology Center head Enrique Tayag na ang paggamit ng paputok ay maaaring magdulot ng kapansanan sa mga taong gagamit nito.

Sinabi ni Tayag na may 44 revelry-related fireworks injuries ang naitala sa simula pa lamang ng Disyembre 21 hanggang matapos ang New Year revelry.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply