Red Cross nanawagan ng tulong para sa biktima ng bagyong Pablo

bagyong-pablo-dec-5-11am

NANANAWAGAN ngayon ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko ng tulong para sa mga biktima ng bagyong Pablo.

Ayon kay Red Cross Secretary General Gwendolyn Pang, maaaring dalhin sa kanilang mga chapter ang mga donasyon pero kung puwede ay cash na lamang.

Ito ay upang makamura at makabili, aniya, sa lugar kung saan dadalhin ang mga relief goods.

Sinabi pa nito na hindi pa nila napapalitan ang mga reflief goods na ipinamahagi sa mga nabiktima ng habagat ilang buwan na ang nakaraan.

Gayunman, nagbigay na rin, anya, ng kahandaan ang International Red Cross, Spanish Red Cross at iba pa na magpadala ng tulong sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply