Region 12, ‘di kabilang sa mga illegal logging hotspots

HINDI kabilang ang Region12 sa mga talaan ng lugar na illegal logging hotspots ng National Anti-illegal Logging Task Force (NAILTF).

Ayon kay Dr. Noel Dungca, Forest Resources Development Division head ng DENR 12, ang ulat ay base sa yearend report na inilabas noong nakaraang linggo ng NAILTF.

Ayon kay Dungca ito ay malaking accomplishment sa rehiyon sa larangan ng forest protection at ito ay kinilala mismo ng Pangulong Benigno Aquino.

Ang illegal logging activities sa rehiyon ay patuloy na bumababa bunga ng intensified enforcement batay sa Executive Order no. 23 na inisyu mismo ng Pangulo na nagbabawal sa logging operation sa buong bansa.

Sakop ng rehiyon 12 ang mga probinsiya ng South Cotabato, Sultan Kudarat, North Cotabato at ang mga lungsod ng General Santos, Koronadal, Tacurong, Kidapawan at Cotabato.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply