Regular na pagsusuri sa ihi, pinakamabisang paraan para mapanatiling malusog ang kidney

kidney-chckup

ISINUSULONG ng Department of Health at National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang regular na pagsusuri ng ihi o urinalysis upang masigurong patuloy na magiging malusog ang bato ng isang tao.

Sa ginanap na Kapihan sa Sentral Luzon ng Philippine Information Agency sa Bulacan, sinabi ni Dra. Cecilia Gonzales ng NKTI na sobrang sakit sa kalooban, pisikal at bulsa kapag ang isang tao ay tinamaan ng sakit sa bato dahil marami ka nang hindi pwedeng kainin, maaari kang hindi makalasa ng pagkain at higit sa lahat, marami kang gagastusin.

P80 kada taon lang aniya ang magpa-urinalysisi kumpara sa P2,500 per session na dialysis na isasagawa pa tatlong beses kada linggo o P1.2 milyon para sa kidney transplant.

Lumalabas sa talaan ng NKTI na pangsampu ang sakit sa bato sa mga pangunahing sakit na nakamamatay sa Pilipinas.

Pangunahing dahilan dito ay ang hindi maagang pagkakatuklas sa nasabing sakit dahil may pagkakataon na walang makitang palatandaan o sintomas na may sakit na sa bato ang isang tao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply