Relasyon ng Pinas at China palalakasin sa pag-upo ni Basilio – DFA

TIWALA ang Department of Foreign Affairs na mapalalakas ng bagong hirang na ambassador sa China ang relasyon ng Pilipinas at ng komunistang bansa.

Ayon kay DFA Spokesman Raul Hernandez, taglay ni Ambassador Erlinda Basilio ang kakayahan bilang isang batikang diplomat upang isulong ang interest ng Pilipinas sa pinag-aawayang West Philippine Sea.

Umaasa rin ang DFA na lalo pang magiging lalakas ang relasyon ng Maynila at Beijing sa pag-upo ni Basilio dahil bihasa ang opisyal sa usapin sa Association of Southeast Asian Narion (ASEAN) at sa pakikitungo sa China.

Pinalitan ni Basilio si dating Philippine Ambassador to China Sonia Brady makaraang ma-stroke sa Beijing ang dating punong kinatawan ng Pilipinas sa komunistang bansa.

Umaasa rin ang DFA na makapagsisimula na sa kanyang bagong tungkulin si Basilio sa susunod na taon.

Gayunman, kailangan pa rin lumusot sa makapangyarihang Commission on Appointments ang appointment ni Basilio.

Si Basilio ay ang Foreign Undersecretary for Policy at hinirang ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Napili si Ambassador Basilio matapos na manindigan si Pangulong Benignno Aquino na kailangan mas senior ang maging opisyal na kinatawan ng Maynila sa Beijing.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply