Remate kampeon sa NPC President’s Cup

remate-champion-sa-npc-president's-cup

SINUNGKIT ng Team Remate ang titulo sa NPC President’s Cup matapos paluhurin ang makulit na ALAM, 74-61 kaninang umaga sa Department of Agrarian Reform gym sa Quezon City.

Naging malamig ang opensa ng mga Remate dribblers sa umpisa ng laro kaya naman naka-ungos ang ALAM sa first half, 43-46.

Sa third canto, bukod sa opensa nina Alfredo Bayug, Mark Awitan Diaz at JR Reyes sinandalan ng Remate ang mala aparador na katawan ni Cris Heramis para maagaw ang lamang sa ALAM, 59-54 papasok ng final period.

Sa payoff period ay nagtuloy-tuloy ang pag-iinit ng opensa ng Remate upang selyohan ang pagkopo ng kampeonato kahit walong players lang ang nakapaglaro.

Bumira ng mahahalagang puntos sina Rico Navarro, Heramis, Joseph Lipasana at Genie Villota na naging dahilan ng pag-alagwa ng Remate, 63-56 may anim na minuto pa ang nalalabing oras sa fourth quarter.

Bahagyang kumapit ang ALAM, 60-65 subalit bumira ng 9-2 run ang Remate may 3:45 minutes para lumapit sa titulo sa Media guest team division.

Tumikada ng 24 puntos si Bayug habang sina Diaz ay bumakas ng tig 15 at walong puntos ayon sa pagkakasunod.

Nakapagkamada rin ng 10 puntos si Elech Dawa, siyam kay Navarro, apat kay Lipasana at tig tatlong punots sina Heramis at Villota.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply