Resulta ng anomalya sa Pagcor, agad ilalabas ng DOJ

DOJ

ILALABAS ngayong buwang ng Disyembre ang resulta ng imbestigasyon sa panibagong anomalya na kinasasangkutan ng mga dating opisyal ng Philippine Gaming Corporation (Pagcor).

Ito ang tiniyak ngayon ng Department of Justice (DOJ) kung saan binigyan ni Justice Secretary ng 30 araw ang  binuong fact finding panel upang imbestigahan si Rodolfo Soriano, dating consultant ng Pagcor at kilalang malapit kay dating Chairman Efraim Genuino, na sinasabing tumanggap ng $5 million mula sa Hong Kong affiliate ng kompanyang kontrolado ng investor ng Pagcor sa proyekto nitong Entertainment City noong Mayo ng taong 2010.

Ang naturang panel ay kinabibilangan nina Atty. Marlon Tauli ng NBI Anti Graft Division; Atty. Catherine Camposano, Executive Officer ng Internal Audit Unit ng NBI; at Senior Assistant State Prosecutor Rosalina Aquino mula sa National Prosecution Service.

Ayon kay De Lima,  inatasan niya ang panel na maglabas ng rekomendasyon kung sasampahan ng mga kasong kriminal at administratibo ang  mga sangkot na mga opisyal.

Nabatid na pinatutukan ng DoJ sa lupon ang umano’y serye ng mga kwestiyonableng ibinayad ng Aruza USA sa mga dating opisyal, empleyado at consultant ng Pagcor.

Si Soriano ay sinasabing konektado sa mga opisyal ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Tinanggap nito ang pera mula sa Universal Entertainment habang nilalakad ang tax at iba pang concession ng balak nitong itayong $2 bilyong casino sa Manila Bay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply