Resulta ng drug test sa Pacquiao-Marquez IV malalaman ngayong linggo

ANOMANG araw ngayon, ilalabas ng Nevada State Athletic Commission (NSAC) ang resulta ng isinagawang urine test na ikinasa bago ang laban noong Linggo (Manila time) nina Eight Division World Champion Manny Pacquiao at Four Division World Title Holder Juan Manuel Marquez.

Ayon kay NSAC executive director Keith Kizer, kabilang sa isinagawang pagsusuri sa dalawa ay para sa anabolic steroids, masking agents at marijuana.

Kasunod ng kanyang one-punch knockout victory kay Pacquiao, muling nabuhay ang hinala ng marami sa posibleng paggamit ng performance-enhancing drugs ni Marquez.

Una nang kinuwestyon ni coach Freddie Roach ang umano’y sobrang paglaki ng katawan ni Marquez gayong hindi naapektuhan ang kanyang timbang.

Pero ayon naman kay Kizer, makailang beses nang sumailalim sa drug test si Marquez sa mga nakaraang laban nito at puro negatibo naman ang resulta.

“The Nevada Athletic Commission has tested both Mr. Pacquiao and Mr. Marquez many times in the past, and they have always tested negative,” ani Kizer.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply