Reyna ng tulak sa Taguig binitbit ng PDEA

TAGUIG CITY – Ganap ng nahulog sa kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang “reyna” umano ng shabu matapos itong damputin ito sa loob ng kanyang pamamahay sa Block 71 Lot 51 Phase 4 JP Rizal St., Brgy. Upper Bicutan ng naturang lungsod sa pamamagitan ng search warrant na ipinalabas ni Pasig Regional Trial Court Branch 152 Executive Judge Danilo Cruz noong Biyernes ng umaga.

Kinilala ng mga undercover arresting officers ang kanilang nahuli na si Fe Bergonia kung saan ay positibong nasamsaman din ito ng ilang pirasong sachets na naglalaman anila ng illegal substance at isang digital scale device.

Sinabi ni PDEA-NCR Regional Director Wilkins Villanueva na si Bergonio ay maituturing na “big fish” dahil bukod aniya sa mga galamay nito, kinasangkapan din ng ginang ang kanyang mga anak sa karumaldumal na gawain.

Dahil sa pagkakadakip kay Bergonia, nalugod naman ang pamunuan ng pamahalaang lungsod ng Taguig na nagsasabing kaisa sila ng PDEA sa paglalansag ng droga na sumisira sa katinuan at kinabukasan ng mga kabataan.

Sa ulat na ipinalabas ng Public Information Office ng lungsod, ang pinalakas na ugnayan ng PDEA at SAID-SOTG ng Taguig ay nagresulta din anila sa pagkakahuli sa isang nagngangalang Richard Gomez na nasamsaman ng P1M halaga ng shabu, sa Serendra, Brgy. Fort Bonifacio.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang ikinulong na suspect.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply