RH batas na

GANAP ng isang batas ang kontrobersyal na Reproductive Health bill.

Sa isang text message, kinumpirma ni House Majority Leader neptali Gonzales Jr, na noong Biernes, December 21 pa na tahimik na nilagdaan ito ni Pangulong Aquino.

“PNoy signed into law without funfare the RH Republic Act last Friday December 21. RH is now Republic Act 10354,” ayon kay Gonzales.

Magugunitang maraming beses hinarang ng mga anti-RH congressmen ang pagtalakay ng naturang panukala sa plenaryo.

Subalit sa huli ay nanaig pa rin ang PRO-RH solons sa pangunguna ni Albay Rep. Edcel Lagman nang tuwiran na itong pagbotohan sa huli at ikatlong pagbasa noong December 17,2012.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply