RH bill maipapasa na – Miriam

NARARAMDAMAN na ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang tagumpay na maipasa sa Senado ang kontrobersiyal  na Reproductive Health (RH) bill.

Ayon sa senador na kabilang sa may akda ng panukala, napapansin niya sa ginawang botohan sa amendments na isinulong kahapon ni Senate President Juan Ponce Enrile na mayorya sa mga senador ay pabor sa mga sensitibong probisyon ng RH bill.

Para kay Santiago, kahapon pa lamang ay malinaw nang may 11 senador na pumapabor sa panukala at madadagdagan pa ito dahil may ilang pang mambabatas na absent na inaasahang papabor sa bill.

“The voting showed that the RH group in the Senate has core support from at least 11 senators.  There are actually more, but some were absent last Tuesday,” ayon kay Santiago.

Sa ngayon nasa period of individual amendments pa rin ang RH bill sa Senado at tanging si Senate Majority Leader Tito Sotto na lamang ang nalalabing maghahain pa ng kanyang amendments sa susunod na linggo.

Si Sotto ay kilalang tutol sa panukala kasama si Senate President Enrile.

Umaasa naman si Santiago na matapos ang period of amendments ay agad na pagbotohan ang bill sa second reading hanggang sa maipasa sa third and final reading.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply