RH bill napapanahon

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB

TUGMA sa pangangailangan ng panahon ang itinutulak ng Palasyo na Reproductive Health (RH) bill.

Hindi na kasi maawat ang paglago ng populasyon ng bansa, dagdag pa rito ang pagdami ng HIV o AIDS cases sa Pilipinas.

Bukod kasi sa impormasyong ibibigay ng RH bill sa pagpigil ng panggigil ay tiyak na kapaki-pakinabang din ito sa pagsawata ng mga sakit dulot ng pakikipagtalik.

Medyo late na nga ang RH bill kaya’t mismong si Pangulong Noynoy Aquino na ang nagparamdam sa kongresista na ipasa na ito dahil kailangang-kailangan na talaga ito ng bansa.

Sobra na ang dami ng Pinoy sa kasalukuyan at dumarami na rin ang may sakit na AIDS na Pinoy kaya’t kailangan na tayong gumawa ng drastikong desisyon at hakbang para maresolba ang naturang problema.

Tama ang ginawang move ni PNoy sa sa RH bill dahil bilang pinuno ng bansa ay katungkulan niyang pangalagaan ang bawat isang Filipino, maging ito man ay Katoliko o miyembro ng ibang sekta ng relihiyon.

Ito ang dapat sa mga ugali ng isang pinuno ng bansa dahil ang ipinakita ni PNoy ay isang katapangan kahit pa maging kapalit ito ng pagbanat at pag-alipusta sa kanya ng Simbahang Katoliko na alam naman nating may malaking papel kaya siya naging Pangulo ng estado.

Ilang PNoy pa kaya ang lulutang sa Pilipinas?

Ito kasi ang kailangan ng estado sa ngayon, pinunong may bayag at paninindigan para sa tama at kapakanan ng mas nakararami.

###

Habang isinusulat natin ang pitak na ito ay binabayo ng bagyong Pablo ang Visayas at Mindanao.

Maging ang Pangulong Noynoy Aquino ay nanawagan sa mga taong nakatira rito na magsipaghanda at maging alerto.

Hindi kasi biro ang lakas ni Pablo kung sasang-ayon tayo sa findings ng PAGASA.

Mabait naman ang Diyos  kaya’t tiyak kong hindi Niya tayo pababayaan dahil isang ang mga Pilipino sa mga taong mabubuti sa mundo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply