RH bill niratipikahan na ng Kongreso

NIRATIPIKAHAN na sa Mababang Kapulungan ng kongreso ang bicameral report sa Reproductive health bill

Pasado alas-7:00 kagabi lamang nang makarating sa plenaryo ng Kamara ang kopya ng report via fax mula sa bicam committee.

Ngunit bago naganap ang pagraratipika ay inalmahan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang kawalan ng korum kung kaya hindi dapat magsagawa ng ratipikasyon ang Kamara.

Mula nang magsimula ang sesyon kaninang alas-4:00 ng hapon, ay kakaunti lamang na mga kongresista ang nasa loob ng plenaryo kaya walang roll call pero unti-unting nagditangan bago mag-7:00 ng gabi.

Idineklara ang korum matapos ang roll call at umabot sa 224 na kongresista ang present.

At sa pamamagitan ng viva voche o ays o nays, na-ratify na ang RH bill.

Dahil sa pagkaka-ratify sa RH bill, agad na ita-transmit ito sa Malakanyang upang mapirmahan na ni Pangulong Aquino at maging ganap na batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply