RH bill pasado na sa 2nd reading

PASADO alas 2:00 ng madaling araw (December 13) nang ipasa sa ikalawang pagbasa ang House Bill 4244 o ang Responsible Parenthood and Reproductive Health bill ng mga kongresista.

Matapos ang 14 na taon ng debate, nakarating na sa ikalawang pagbasa ang panukala kung saan 113 ang pumabor sa pamamagitan ng isinagawang nominal voting na nagsimula ng pasado alas 8:00 ng gabi kagabi.

104 naman ang nagpahayag ng pagtutol at tatlo lamang ang nag-abstain.

Basgama’t nag-rule na ang nag-preside ng session na si House Deputy Speaker Erin Tanada na “the ayes have it” nang magkaroon ng viva voce ay agad nagmosyon si Navotas Rep. Toby Tiangco na magkaroon ng nominal voting upang magka-alaman kung sino talaga ang tutol at pabor.

Isa-isang tumayo ang mga kongresista upang ipaliwanag ang kanilang boto at matapos ang anim na oras ay nanaig pa rin ang pabor na mga kongresista.

Sa Lunes naman, December 17 ay inaasahang ipapasa ang HB 4244 sa ikatlong pagdinig at agad itong isususmite sa Senado ayon kay House majority Leader Neptali Gonzales.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply