RH bill pasado na sa Kamara

rh-bill-rules

PASADO na sa huli at ikatlong pagbasa ang kontrobersyal na Reproductive Health bill.

Sa botong 133 at 79 ang tutol ay naipasa sa third reading ang RH bill ganap na alas 6:39 ngayong gabi.

Pito naman ang nag-abstain mula sa dating tatlo nang ipasa sa ikalawang pagbasa noong nakaraang Miyerkules.

Matapos ang pagbilang sa boto ay saka lamang magpapaliwanag ang mga kongresista sa kanilang boto.

Noong Miyerkules ay inabot ng hanggang alas-2:00 ng madaling-araw ang botohan sa ikalawang pagbasa sa panukala dahil sa mosyong magsagawa ng nominal voting.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply