RH bill posibleng maisabatas sa Enero

POSIBLENG sa Enero na sa susunod na taon maisasalang sa bicameral conference committee ang kakapasa pa lamang na Reproductive Health (RH) Bill sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Nabatid na hindi pa nakapagtatalaga ang Senado ng mga kinatawan nito sa bicam ngunit nais sana ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, author ng naturang panukala na agad itong magpulong ngayong araw.

Kanya-kanyang paliwanag ang mga senador kagabi matapos na maipasa ang panukala sa botong 13-8.

Sa naturang pagdinig, pinasaringan pa ni Santiago ang pamunuan ng Simbahang Katolika sa pagtuligsa sa naturang panukala at sinabing hindi nakasalalay ang posisyon ng Simbahan mula sa mga leader lamang kundi sa buong miyembro nito.

Pero sa panig ni Senate President Juan Ponce Enrile, duda siya sa magiging kahihinatnan ng bansa dahil sa RH Bill.

Hindi naman kumbinsido rito si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., kung saan naging emotional pa nang ikinwento mismo ang kanyang pamilya ay biktima ng contraceptives.

“Ipinanganak siya noong 1990, ngunit 26 na araw lang siyang nabuhay. Ipinanganak siya na butas ang puso. Before Lani gave birth to her, she was properly and religiously taking pills. Hindi lang pumalpak yung pills, ipinanganak pa siyang may malubhang karamdaman. Up to this day, I still think of what could have been for Alexandra,” ayon kay Revilla.

Kinontra rin ni Sen. Manny Villar ang panukala dahil naniniwala siyang hindi ito sagot sa kasalukuyang problema sa kapakanan ng pamilya sa halip dapat aniyang unahin ang kabuhayan ng mahihirap.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply