RH bill sinertipikahang ‘urgent’ ni PNoy

PNOY-5

 SINERTIPIKAHANG “urgent” ni Pangulong Benigno Aquino III ang kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill.

Sa isang panayam, sinabi ng Chief Executive na mas mapapabilis nito ang proseso upang maipasa ang nasabing panukalang batas.

Inamin ni Pangulong Aquino na hindi agad ginawang urgent ang RH bill dahil maingat ito sa paglalabas ng ganoong sertipikasyon.

Sa darating na Lunes, Disyembre 17 ay isusumite ang sertipikasyon bilang urgent sa Kongreso.

Sa nasabing araw din aniya ay posibleng pagbotohan na ang RH bill sa Senado para sa second reading at sa Huwebes para sa ikatlo at huling pagbasa.

Matatandaang nakalusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang nasabing panukalang batas kung saan 113 mambabatas ang pumabor, 104 ang kontra at tatlo ang nag-abstain ginawang botohan.

Ang RH Bill ay naglalayong maagapan ang mabilis na paglaki ng populasyon sa bansa.

Pinalagan naman ng ilang obispo ang posisyon ng pamahalaan dahil para sa kanila ay isang uri ng abortion o pagkitil ng buhay ang RH Bill.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply