RH Law, ipatutupad sa Enero 5, 2013

rh-bill-rules

NAKATAKDANG ipatupad ang Republic Act (RA) 10354 o ang kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) Law sa darating na Enero 5, 2013.

Ang pagsasabatas ay matapos na lagdaan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang RH Bill noong December 21, apat na araw bago mag-Pasko.

Ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales II, sinadyang hindi na nagsagawa ng signing ceremony sa RH law tulad ng abiso sa kanila ng Malacañang subalit ayon sa ilang pro-RH congressmen, ginawa ito ng Pangulo upang hindi masaktan nang husto ang simbahang Katolika na mariing kumokontra sa batas.

Sa ilalim ng RH law, ginagarantiyahan nito ang access sa ligtas, legal, affordable, non-abortifacient, epektibo at dekalidad na reproductive health care services.

Tinitiyak din ang pagbabahagi ng estado ng impormasyon sa lahat ng uri ng pagpaplano ng pamilya, natural man o modern method.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply