Rider nabundol, dedo

bangkay

BASAG ang bungo ng isang motorcycle rider matapos salpukin ng rumaragsang owner type jeep sa Karuhatan Valenzuela City, Huwebes ng gabi (Disyembre 13).

Kinilala ang namatay na si Norzen Gonzalez, 44, may asawa, ng 36-D Tabuyoc SMH, Quezon City.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si Marlon Ventura Concepcion, 38 binata, mekaniko ng 211 Leonardo St., Brgy. Karuhatan Valenzuela.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang sakuna sa kanto ng Leonardo at Mac Arthur Highway sa nasabing barangay.

Nabatid na tinatahak ni Gonzalez ang nasabing highway sakay ng kanyang motorsiklo (plakang 2726-OW) patungong Monumento Caloocan at pagsapit sa nasabing lugar ay nabundol ito ng rumaragasang owner (plakang CKJ-139) na minamaneho ni Ventura.

Dahil sa lakas ng pagkabundol ay tumilapon ang biktima na ilang metro at tumama ang ulo sa sementadong kalsada.

Tumakbo naman palayo ang suspek at iniwan ang kanyang sasakyan.

Nalaman ng mga awtoridad ang pagkakakilalan ng suspek sa mga papeles na narekober sa sasakyan nito.

Sasampahan ang suspek ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to proprieties (at large) sa piskalya ng Valenzuela City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply