Rider sumemplang, tigok

PATAY ang isang rider matapos sumemplang nang makadikitan ng bisekleta sa Valenzuela City kagabi, Disyembre 24.

Namatay habang ginagamot sa Valenuzela General Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Noe Obenguar, 48, ng Mary Grace Subd., Marilao, Bulacan.

Iniimbestigahan naman si Bearwin Roberto Dela Cruz, 33 ng Phase 2, Bagong Silang, Caloocan City.

Base sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi, magkasabay na tinatahak ng biktima dala ang Yamaha Mio (7879-XA) habang bisekleta naman ang dala ng suspek at pagsapit sa Gov. Santiago st., ay nagkadikit ang mga una na naging dahilan upang parehong sumemplang.

Naging masama ang bagsak ng biktima na naging dahilan upang dalhin sa VGH kung saan inaalam na ng mga pulis kung may pananagutan si Dela Cruz sa pagpanaw ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply