Rocket na pinalipad ng NoKor ‘di tinangkang pasabugin ng Japan

HINDI tinangkang pasabugin ng Japanese government ang pinalipad na rocket ng North Korea habang ito ay dumaan sa southern island chain ng Okinawa, ayon sa ulat kaninang umaga.

Kinumpirma ng Tokyo na ang pagpapalipad ay naikasa na at sinabi na ang ilang parte nito ay bumagsak sa karagatan ng  Korean peninsula, na ang isa pang parte ay nahulog naman sa karagatan na malapit sa Pilipinas.

“Launch time was around 9:49 am (0049 GMT). The missile that North Korea calls a satellite passed over Okinawa around 10:01. We launched no interception,” pahayag pa ng Japan government.

Nasa high alert ang Japan simula pa ng “13-day lift-off window opened” sa kabila ng suhestyon mula sa Pyongyang na maaring maantala ang binabatikos na blast-off.

Nagkasa ang Tokyo ng missile defense systems na may missile batteries sa loob at sa paligid ng Tokyo at sa Okinawan archipelago para i-intercept at wasakin ang naturang rocket kung ito ay sakaling bumagsak sa kanilang teritoryo..

Umalma ang Japan kanina sa pagpapalipad ng rocket pero sinabi hindi nila tinangkang pasabugin ang inilunsad na rocket.

“It is extremely regrettable that North Korea went through with the launch despite our calls to exercise restraint,” pahayag ni chief government spokesman Osamu Fujimura.

“Our country cannot tolerate this. We strongly protest to North Korea.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply