Rolbak sa presyo ng langis ipinatupad

rolbak

NAGTUPAD na ng rollback sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula pa kagabi.

Bandang alas-6:00 kagabi nang ibinaba ng Phoenix Petroleum ng 80 sentimos ang presyo ng kada litro ng diesel at 20 sentimos sa premium, unleaded at regular gasoline.

Kasunod namang nagbaba bandang alas-12:01 ng madaling araw kanina ang Shell, Petron, PTT, Seaoil at Flying V na nagbaba ng parehong halaga sa diesel at gasolina.

Habang nagbaba pa ng 55  sentimos sa kerosene ang Shell, Petron, Seaoil at Flying V.

Ito na ang ika-limang sunod na rolbak sa gasolina, habang ikaapat sa diesel, kasunod pa rin ng paggalaw sa presyuhan ng pandaigdigang merkado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply