Rollback sa petrolyo ipatutupad ngayong linggo

rolbak

BAHAGYANG makararamdam ng ginahawa ang mga motorista dahil magpapatupad ulit ng oil price rollback ang ilang kompanya ng langis ngayong linggo.

Ayon sa pagtaya ng mga eksperto, aabot ng 70 sentimos hanggang 90 sentimos kada litro ang ipatutupad na rollback sa gasolina pero kakarampot na rollback na 10 sentimos hanggang 20 sentimos naman sa kada litro ng diesel.

Ang bawas presyo ay dahil pa rin sa pagbaba ng halaga ng mga naturang produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Una nang nagbaba ng presyo ang gasolina at diesel noong nakaraang linggo na naglaro sa 60 sentimos hanggang 80 sentimos kada litro sa gasolina at 05 sentimo hanggang 15 sentimos naman sa diesel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply