Ronda Pilipinas 2013, kasado na

ronda-pilipinas-2012

KASADO na ang inilatag na Ronda Pilipinas 2013 na magsimula sa buwan ng Enero at magtatapos sa Pebrero kasabay ng pagbubukas ng Panagbenga Festival sa Baguio City.

Ipinahayag ni Rick Rodriguez, Race Coordinatior, na hindi madali para sa mga cyclist ang isang buwang bicycle race na isasagawa pagpasok ng taong 2013.

Sa loob ng 30 araw ay iikutin ng bikers ang 32 pangunahing lungsod sa buong bansa mula Mindanao hanggang Luzon.

Isasailalim sa Team Style Trial Stage mula sa mga lungsod ng Vigan at Laoag ang mga kalahok upang malaman kung paano ang magiging performance ng mga ito.

Dagdag pa niya, isasailalim din sila sa individual team trial stage mula naman sa Pugo, La Union hanggang lungsod ng Baguio.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply