Rookie cop arestado sa pagpapaputok ng baril

tiklo

ARESTADO ang isang bagitong pulis at dalawang kasamang security guard nito matapos  magpaputok ng baril sa Quezon City.

Kinilala ang inaresto na si PO1 Wilson Samonte, 23, PNP member at nakatalaga sa NCRPO.

Kasama ding inaresto ang dalawang kasamang security guard nito na sina Hector Prado, 26, binata at Anselmo Henio, 29, may-asawa.

Ayon kay PO2 Jayson Tolentino ng Quezon City Police District station 6, naganap ang insidente dakong  4:00 ng madaling araw kahapon sa IBP road, Batasan, Brgy. Batasan, QC.

Sinabi sa ulat na naka-inom na dumating sa Bottoms up Bar sa naturang lugar ang pulis kasama  ang dalawang kaibigan nitong security guard nang magpaputok ito ng kanyang baril sa labas ng bar sa hindi pa mabatid na kadahilanan.

Ikinagulat ng mga kostumer sa naturang bar ang ginawa ng suspek dahilan para humingi ng tulong sa mga tauhan ng Quezon City police at inaresto ang mga suspek.

Nakapiit ngayon sa himpilan ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit ang naturang pulis  at nahaharap sa reklamo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply