Safe sex o makatapos ng pag-aaral?

abiso-marikenyo-paul-edward-sison-online

ANG ganda ng insight ni Synx Elma ng Lubid, Inc. tungkol sa RH Bill at ang hindi pagiging solusyon nito sa kahirapan. Para kay Synx, edukasyon ang solusyon kung gusto mong umunlad ang tao at hindi ito makaragdag sa overpopulation.

Patunay raw ang mga kabataan ngayon tulad ng mga miyembro ng Twinville Chorale Society na mga young professional na kumikita na at ayaw pang mag-asawa o magkaanak dahil masyado silang focused sa kanilang mga trabaho o careers.

Kumbaga, ine-enjoy pa nila ‘yung pagiging single na may pera, imbes na may pamilya na at doon lang lahat napupunta ang kinikita nila. Tulad na rin tayo sa ibang bansa sa Asya, Europa at Amerika, di po ba?

Kaya tama ang kanyang argumento na edukasyon ang solusyon, hindi contraception.

Imbes na mapunta ang bilyon-bilyon na pondo sa pambili ng mga gamot, contraceptives, atbp na gawa ng mga Amerikano – mas tama, di po ba, na ibigay sa DepEd o CHED ang pondong ito para makapagtayo ng mas maraming eskuwelahan, makapagbigay ng libreng libro at gamit, at libreng pag-aaral.

Sa tamang edukasyon, hindi contraception, tumataas ang tsansa nila na makapagtrabaho nang maayos o maging mga propesyonal na doktor, abogado, atbp. Pag maganda ang trabaho, maganda ang kita. Pag malaki ang kita, enjoy sa trabaho. Pag mahal niya ang trabaho…ayaw munang magkaanak o mag-asawa.

Eh, di walang problema sa overpopulation o kahirapan!

Ewan ko nga bardito sa mga mambabatas at mga opisyal natin sa pamahalaan at bakit nauto ng mga ‘Kano na bilhin ang mga produktong gawa nila at dina-dump nila rito sa atin?

Bakit imbes na gawing edukado at intelihente ang mga Pinoy, eh, mas gusto nilang painumin ng birth control pills at pasuotin ng condom o IUD? Mas gusto ba ng mamamayang Filipino ang makapag-safe sex higit sa makapag-aral sila?

Kayo talagang mga pulitiko, mas gusto ninyo na mangmang at tumitirik ang mata sa kaligayahan ng mga Filipino para lalo ninyong maisahan. Ganun din ang agenda ng mga dayuhang gobyerno, lalo na ngayong lumalakas ang ating ekonomiya.

Tayo naman … bakit tayo pumapayag na condom o pills ang ibigay sa atin imbes na free quality education for the poor?

Bakit natin tatanggapin ang isang “failed formula” na siyang nagpalubog sa mga welfare states? Sila ngayon ay nagpaparami ng populasyon sa pamamagitan ng family migration para lang may magtrabaho at magbayad ng buwis na siya namang kailangan nila para sa kanilang mga government program.

Mismo ngang China, dinag-dagan na ang kanilang one-child policy. Ang Singapore may incentive sa mga mag-aanak ng ma-rami. Tapos, tayo sa Pilipinas uulitin natin ‘yung mga maling population control programs nila in the guise of responsible parenthood?

Nalintikan na talaga tayong mga Filipino!

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply