Sahod ng domestic worker sa Singapore itinaas

dole-sec-baldoz

KINUMPIRMA ni Employment and Labor Secretary Rosalinda Baldoz na tinaasan ng mga employer sa Singapore ang suweldo ng mga domestic worker.

Sinabi ni Baldoz na ang nasabing hakbang ay alinsunod na rin sa pinaiiral na $400 reform package ng pamahalaang Pilipinas para sa mga household service worker o HSWs.

Pumayag na rin aniya ang mga employer sa Singapore na magpatupad ng minimum na SGD500 o katumbas ng US$400.

Ginawa ni Baldoz ang kanyang pahayag batay sa report ng Association of Licensed Recruitment Agencies for Singapore, Inc., na ang pagkukusa ng mga amo sa Singapore ay naaayon sa itinatakda ng US$400 salary sa mga Filipino HSW.

“It also reflects a magnanimous response, on the part of the employers, to meet the minimum standards of the International Labor Organization’s (ILO) Convention 189 Concerning Decent Work for Domestic Workers” sabi ng kalihim.

Maliban sa US$400 salary para sa HSWs, hindi na magtatakda ng placement fee bago umalis ang isang HSW. Bibigyan din ang isang HSW ng tatlong beses na pagkain sa isang araw, isang araw na day-off, pitong oras na walang balam na pagtulog at papayagang gumamit ng cellphone.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply